Okay ang drama lang ng title, sorry naman. What’s with the title and the picture nga ba? Ganito kasi yun, yung laptop ko na almost 7 years ko na kasama mukhang nagpapaalam na sa akin. My laptop is an old Dell Inspiron 600m series and kung napanood niyo yung movie na Ice Princess same kami ng laptop except yung cover nong sa akin is Red.

Anyway, gaya nga nang sabi ko mukhang nagpapaalam na siya sa akin. Pano ba naman last Friday gumagana pa yung laptop ko tapos nirestart ko lang siya biglang ayaw na mag-function nang maayos. Restart na lang siya ng restart and according dun sa aming napakagaling na IT Dean mukhang natuluyan na daw yung hard disk ko pero try pa din daw niya gawan ng paraan pero malamang sa hindi kahit na ireformat pa siya at gumana hindi na din daw niya iaassure sa akin na tatagal pa yung buhay nong laptop ko. :sigh:

Alam ko naman na medyo kailangan ko na din siya palitan kasi nga 7 years na siya pero ang hirap lang i-give up kasi naman kasama ko yung laptop ko in good times and bad times. Sobra yung pinagsamahan namin lalo na nong thesis days ko and exaggerated man pakingan pero nakakatulog ako sa harap ng laptop ko para lang matapos lahat nang kailangan ko gawin sa thesis. Grabe! Super drama ko naman pero alam niyo naman siguro yung feeling diba.

Anyway, kahit na hindi pa naman nagpapaalam ng tuluyan yung laptop ko sa akin. Ngayon pa lang magstart na ako mag-canvas kung magkano ang laptop although meron naman na akong alam na makukuhanan ko nang mura pero canvas pa din ako tsaka mukhang kailangan super pagtitipid ang gagawin ko para mapalitan ko agad yung laptop pero baka maging mabait na naman ang nanay ko at bilan ako ng bago, :hehe: wish ko lang diba pero promise naman niya sa akin yun na bibilan niya ako ulit kapag talagang nasira na yung laptop e.

Baka meron kayong alam na murang laptop sabihan niyo ako ha.