I was actually on a partial hiatus last week because I just felt tired of dealing with my online life and everything that has to do with being online. I wasn’t really expecting na magsasawa din pala ako sa kaka-internet kasi gaya nga nang sabi nila sobrang addicted na daw ako pero kahit ako nagulat na lang talaga na inayawan ko na ang kaka-internet. Why partial pala? I still went online pero para maglaro lang nang games or check my accounts and after ko na magawa yung mga yun sarado na ulit laptop ko. Ewan kung anong nangyari sa akin at bigla na lang akong nagsawa sa kaka-internet pero alam niyo yung feeling na almost everyday same na lang yung mga ginagawa niyo diba nakakapagod naman talaga yun.
Enjoy naman ako kahit na hindi na ako madalas mag-online at alam niyo ba na pinapanood ko yung Boys Over Flowers although kapag pinapanood ko hindi ko maiwasan na i-compare yung BOF sa Meteor Garden. Pati nga yung Bud Brothers pinapanood ko din, maganda naman kasi yung story kaya ako napapanood.
Meron pala akong bagong na-discover na laro gamit yung twitter account[1]. Para ka lang naglalaro nang Mafia Wars nang Facebook nakakatuwa kasi first time ko makakita nang games na gamit yung twitter account. Kung gusto niyo malaman kung anong laro sabihin niyo lang and of course leave your twitter ids here para ma-invite ko kayo ha.
PS. Open pa din ang link exchange and affiliates application ha.
PPS. Need ko na nag new theme, long over due ko na sinasabi pero hanggang ngayon wala pa din.